news article

28

Shabu at Marijuana sinilaban

Kasabay ng ika-15 taong anibersaryo ng PDEA Caraga, mahigit P 3-milyong ng shabu at marijuana ang sinunog ngayong umaga sa loob ng Kampo ng Police Regional Office 13, Butuan City.
Ayun kay PDEA Caraga Regional Director Ailyn Lovito, ang mga sinunog ay mga ebidensya sa lahat ng mga decided cases na kaso sa druga mula sa korte.
Kahit walang kompletong data, sinisiguro naman ni Director Lovito na matagumpay ang kampanya laban sa druga dahil sa mataas na conviction ng mga drug related cases.
Kinumpirma naman ni RTC Judge Emanuel Escatron, na nagging maganda ang takbo ng mga kaso sa druga dahil sa maraming mga nakumbikto na mga akusado at maliit lamang ang porsyento ng mga kasing nadismiss.
Ang pagsunog ay sinaksihan ng mga kagawad ng PDEA, opisyal ng PNP sa pangunguna ni Police Chief Supt. Rolando Felix, RTC Judge Emmanuel Escatron, Governor Angel Amante ng Agusan del Norte at Media.

Facebook Comments