NEWS ITEM–RMN COTABATO

MILF, tatanggapin lamang ang political autonomy na mas mainam kaysa sa ARMM!
“Malinaw ang posisyon ng MILF, una, kaylan may hindi nito tatanggapin ang otonomiya na mas mababa kaysa sa kasalukuyang ARMM, pangalawa, hindi tatanggapin ng MILF ang otonomiya na kawangis ng sa ARMM.”
“Tatanggapin lamang ng MILF ang otonomiya na mas mainam sa ARMM. Ito ang binigyang diin ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Peace Implementing Panel (PIP) Mohagher Iqbal sa isang pagtitipon ng Civil Society Organizations’ leaders kamakailan dito sa Cotabato city.
Sinabi pa ni Iqbal na kung s’ya lang ang masusunod, mas maganda na ipasa na ang draft BBL ngayon nang walang bawas at walang dagdag, hayaan na lamang na ang Supreme Court ang maghusga kung alin ang unconstitutional.
Kung magdedesisyon ang Supreme Court ipunin iyon dahil meron pang function ang BTC, maari pa anya itong mag-propose na amyendahan ang konstitusyon. Binigyang diin ni Iqbal na ang ARMM ay tatlong beses nang inialok sa kanila ngunit ito’y tinanggihan ng MILF.- Daisy Mangod Remogat

Facebook Comments