News Update: Bangkay ng dalagita na narekober sa Alicia, Isabela, Nakilala na!

701

*Alicia, Isabela **–* Nakilala na ng mga otoridad ang narekober na bangkay ng isang dalagita sa Purok Tabing Ilog, Brgy. Aurora, Alicia, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay PO3 Rolando Cagurangan, imbestigador ng PNP Alicia, kinilala mismo ng nanay ang biktima na si Allayson Espiritu Cauilan, 11 anyos, Grade 5 student at residente ng Calaocan, Santiago City.


Ayon kay PO3 Cagurangan, naglaro umano sa tabi ng ilog ang biktima kasama ang kapatid at isa pang bata nang habulin umano ng biktima ang kanyang nahulog na tsinelas na dahilan ng kanyang pagkalunod.

Matatandaan na noong December 31, 2018 ay may naitala sa PNP Santiago City hinggil sa nawawalang bata at kahapon lamang ay nakita ito ng isang magsasaka sa purok Tabing Ilog, Brgy. Aurora, Alicia, Isabela.

Samantala, payapa pa rin sa kasalukuyan ang buong nasasakupan ng PNP Alicia, Isabela.

Facebook Comments