*CAGAYAN- *Panghoholdap at Pagkasangkot sa droga ang isa sa tinitignang anggulo ng mga otoridad sa pamamaril kahapon kay Lucas Mangada na dating miyembro ng PNP sa Tuguegarao City.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Superintendent George Cablarda, hepe ng PNP Tuguegarao City kung saan mismong mga biktima nito ng pagnanakaw ang nagturo sa kanya bilang suspek sa mga naganap na holdap at pagnanakaw sa syudad ng Tuguegarao.
Aniya, apat na umano ang naitalang kaso ng pagnanakaw ni Mangada matapos siyang ituro ng mga biktima at huling natanggal sa serbisyo si Mangada noong taong 2016 dahil nagpositibo ito sa droga.
Dagdag pa ng hepe na patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang pagsisiyasat upang matukoy ang umano’y dalawang suspek na bumaril kay Mangada at sinusuri na rin ng kapulisan ang mga CCTV Camera na nakakabit malapit sa pinangyarihan ng krimen.