NEXT LEVEL | TV news reporter at anchor na si Jiggy Manicad, pormal nang namaalam sa media

Manila, Philippines – Pormal nang namaalam ang TV reporter at news anchor na si Jiggy Manicad sa industriya ng Philippine media.

Ito ay matapos mapabilang ang kanyang pangalan sa listahan ng pambato ng PDP-Laban sa pagkasenado sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Manicad, sa loob ng 23 taon niya sa pagiging journalist ay naniniwala siya na handa na siya sa ibang lebel ng paghahatid ng serbisyo publiko.


Nagpasalamat siya sa tiwalang ibinigay sa kanya bilang mamamahayag lalo na sa pagtatag sa kanyang integridad at kredibilidad.

Nakatakdang isapinal ng PDP-Laban ang senatorial slate nito sa Setyembre.

Facebook Comments