Manila, Philippines -Inurong ng Philippine Basketball Association (PBA) ang muling pagbubukas ng bagong season nito sa Disyembre 17 para bigyang daan ang pagsabak ng Gilas Pilipinas sa Asian World Cup Qualifier.
Sasabak ang Gilas sa unang ‘window period’ ng world cup home-and-away qualifying series sa susunod na buwan.
Unang sasagupain nila ang Japan sa Komazawa Olympic Park General Sports Ground Gymnasium sa Tokyo sa Nobyembre 24 at lalabanan ang Chinese Taipei sa Nobyembre 27 sa Smart Araneta Coliseum.
Ang initial round ng qualifier ay may dalawang ‘windows’ – ang ikalawa sa Pebrero at ang ikatlo at huli sa Hunyo hanggang Hulyo.
Target ng Gilas Pilipinas na makuha ang pitong slots para sa asian region upang mag-qualify sa 2019 world cup in China.