NFA Administrator Jason Aquino, nakahandang sagutin ang lahat ng katanungan sa pagkaubos ng supaly ng NFA rice

Manila, Philippines – Sasagutin isa-isa ni NFA administrator Jason Aquino kung bakit naubusan ng supply ng NFA rice.

Partikular kung paano na-manage ng ahensya ang kakapiranggot na suplay.

Ginawa ni Aquino ang pahayag kasunod ng paninisi ng NFA council sa ahensya sa nangyayaring artificial shortage ng bigas sa merkado.


Handa na rin ang ahensya sa audit na isasagawa ng NFA council.

Sa katunayan, handa na ang mga kahon kahong dokumento para masilip ang proseso ng distribution at procurement ng local at imported na bigas.

Tahimik naman si Aquino sa panawagan na magbitiw siya sa tungkulin sa katunayan ay hindi siya nagpapekto at tuloy tuloy lamang ang kaniyang pagtupad sa kaniyang tungkulin.

Facebook Comments