NFA Administrator Roderico Bioco at 139 na opisyal at tauhan, sinuspinde ng Office of the Ombudsman

Pinatawan ng preventive suspension ng Office of the Ombudsman si National Food Authority (NFA) Administrator Roderico Bioco at ang nasa 139 na opisyal at empleyado ng ahensya kasuno ng nabulgar na pagbebenta ng rice bufferstock.

Ito ang inanunsyo sa isang pulong balitaan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Maliban kay Bioco, suspendido ng anim na buwan na walang sweldo sina Assistant Administration for Operations John Robert Hermano at iba’t ibang regional supervisors ng NFA at mga warehouse manager.


Ayon kay Laurel, siya muna ang pansamantalang mamumuno sa NFA habang umiiral ang naturang suspension at umaandar ang imbestigasyon.

Nag ugat ang kaso sa umano’y pagbebenta ng NFA ng libong toneladang NFA rice sa isang negosyante na sobrang baba ng presyo at lugi ang gobyerno.

Facebook Comments