NFA, aminadong apektado ang kanilang palay procurement dahil sa tinamong pinsala ng Bagyong Rolly sa mga pananim

Inaasahan ni National Food Authority Administrator Judy Carol Dansal na maapektuhan ang ginagawa nilang palay procurement sa mga local farmer bilang resulta ng tinamong pinsala sa agrikultura ng paghagupit ng Bagyong Rolly.

Ayon kay Dansal, sa ngayon ay aabot na sa 9 milyong sako ng palay ang kanilang nabili mula sa mga lokal na magsasaka.

Sa ilalim ng Rice Tariffication Law, dapat ay aabot sa 1.44 million metric tons ang mabili ng naturang grains agency.


Ito’y magsisilbing buffer stock ng NFA na gagamitin sa panahon ng kalamidad.

Iniulat din ni Dansal na may rice stocks din sa Bicol Region na nabasa matapos matuklap ang bubong ng kanilang mga warehouse.

Facebook Comments