NFA, balak taasan ang buffer stocking target nito dahil sa epekto ng El Ñiño phenomenon

Bukas ang  National Food Authority na taasan ang  buffer stock nito bilang paghahanda sa epekto ng  El Niño phenomenon na posibleng magtagal hanggang sa ikalawang semestre ng 2019.

 

Tugon ito ng ahensya sa mungkahi ng  mga economic managers na  paghandaan ang epekto ng climate change sa kaseguruhan sa suplay ng pagkain.

 

Target ng NFA na itaas sa  30 days ang buffer stock  mula sa kasalukuyan na 15 days.


 

Gayunman, ayon sa ahensya, ito ay mangangailangan ng karagdagang pondo.

 

Sa isang kalatas, sinabi ng ahensya na kukulangin kasi ang kasalukuyang  P7 billion na budget na nakalaan sa  palay procurement.

 

Sa ilalim ng  Rice Trade Liberalization Law, ang NFA ay may  special account na maaring hugutin sa sandaling may pangangailangan na dagdagan ang buffer stock.

 

Sa ngayon, nasa labing siyam na probinsiya ang apektado ng El Niño phenomenon na posibleng magtagal ng hanggang Hunyo.

Facebook Comments