NFA, bantayang mabuti sakaling tuluyang amyendahan ang Rice Tariffication Law – grupo ng magsasaka

 

Umapela ang isang grupo ng magsasaka sa Kongreso na siguruhing babantayang mabuti ang mga hakbang ng National Food Authority (NFA).

Ito ay sakaling tuluyang maisabatas ang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law.

Sa pulong balitaan sa Maynila, sinabi ni Federation of Free Farmers chairperson Raul Montemayor na kailangang masiguro na walang mangyayaring anomalya sa NFA gaya ng paghihigpit sa mga probisyon ng panukala.


Sa ngayon ay isinusulong na ibalik ang kapangyarihan ng NFA na mag-regulate sa pangangasiwa ng bigas at magbenta ng mas murang bigas sa mga pamilihan.

Nalimitahan ang kapangyarihan ng NFA sa ilalim ng Rice Tariffication Law kung saan hanggang sa pangangasiwa lamang sila ng buffer stock ng bigas.

Facebook Comments