Malugod na tinatanggap ng National Food Authority (NFA) ang anumang imbestigasyon na gagawin ng Department of Agriculture (DA) sa sinasabing may amoy na rice stock na laan sa sa ilang mambabatas para sa kanilang relief distribution.
Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, bubuksan nila sa imbestigasyon ang kanilang mga bodega upang patunayan na bago at walang amoy ang kanilang suplay na bigas.
Aniya, galing sa napamili nilang palay mula sa local farmers ang mga ipinagbibili nila para sa COVID-19 food distribution.
Sinabi ni Dansal na mahigpit ang stocks quality management sa kanilang mga bodega at sumusunod ito sa international standards sa food safety.
Idinagdag ni Dansal, simula noong March 16, 2020, nakapag-deliver na ang NFA ng 3.431 million na sako ng bigas para sa relief distribution.