NFA Cagayan, Ipinatawag sa Provincial Session!

*Cauayan City, Isabela- *Hindi maiwasan ng NFA Cagayan na isisi sa Rice Tariffication Law ang pagbaba ng presyo ng palay sa Lalawigan.

Lumabas ang hinaing na ito matapos imbitahan ng Provincial Board ang NFA Cagayan.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Cagayan Board Member Vilmer Viloria, aminado ito na hindi malayo sa katotohanan na naglalaro sa P7.00 hanggang P10.00 piso kada kilo ang bentahan ng palay sa Cagayan na bili ng mga private traders.


Ayon naman kay Mrs. Vicenta Gammad ng NFA Cagayan, bago ang implimentasyon ng rice tarrification law ay maganda pa ang presyuhan ng palay kung saan ay nagkakahalaga pa ito mula P17.00 hanggang P21.00 pesos kada kilo.

Sinabi rin ni BM Viloria na pansamantalang tumigil ang NFA sa pagbili ng palay dahil puno na umano ang kanilang bodega.

Sa ngayon ay tinitingnan na ng NFA Cagayan ang posibilidad na dagdagan ang kanilang dalawang bodega na matatagpuan sa Baggao at Allacapan, Cagayan maliban sa kanilang nirerentahan sa Luna, Apayao.

Dahil dito, nagmungkahi si BM Viloria na kung maaaring gamitin bilang bodega ang covered court o gymnasium ng bawat bayan na pagsasaka ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga mamamayan.

Kaugnay nito ay pinag-aaralan pa ang kanyang mungkahi dahil sa kakulangan ng manpower at hindi rin nila kayang i-monitor ang lahat ng mga bayan na sakop ng Cagayan.

Facebook Comments