NFA Council, nagtalaga na ng OIC sa NFA ngayong araw

Nagtalaga na ang NFA Council ng magiging Officer-in-Charge sa National Food Authority (NFA) kapalit ng napatawan ng preventive suspension na si Administrator Roderick Bioco.

Sa isinagawang pulong ngayong hapon, hinirang ng NFA Council na OIC si Piolito Santos.

Siya ay dating Assistant Administrator for Finance and Administration ng NFA.


Sa panayam ng media, sinabi ni Santos na una niyang aasikasuhin na ayusin ang mga bodega ng bigas sa mga rehiyon para maihanda ngayong peak harvest season.

Aniya, may mga bodega na na-padlocked ang kailangang buksan para makapamili na ng palay sa mga lokal na magsasaka.

Puntirya ng NFA na makapamili ng 300 thousand Metric tons ng palay para sa buffer stocking.

Naglaan aniya ang DA ng ₱9-B para sa palay procurement ngayong anihan.

Ani Santos, mataas pa rin naman ang moral ng mga tauhan ng NFA matapos silang pulungin ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na nagbigay katiyakan na malalampasan ang mga kontrobersya sa ahensya.

Facebook Comments