NFA, dumipensa sa paratang na smuggling ni Sen. Panfilo Lacson

Manila, Philippines – Dumipensa ang National Food Administration sa paratang na smuggling ni Sen. Panfilo Lacson.

Sa statement ng NFA, nilinaw nito na walang iregularidad sa pagpapalusot ng imported na bigas ng Cebu Lite Trading Inc. (CLTI) .

Sa kalatas ng NFA, ang CLTI, ay isa sa 100 na importers na naisyuhan ng Import Permits ng NFA council mula March to June 30. Lahat ay nagbayad in advance ng Customs Duties or tariffs.


Batay sa reklamo ni Lacson, ang rice shipments ng Cebu Lite Trading Inc. (CLTI), ay “smuggled” dahil hindi nakapagpakita ng import permit at hindi nakapagbayad customs taxes and duties.

Mismong si NFA administrator Jason Aquino ang nanindigan noon laban sa extension ng rice import deliveries mula February 28 deadline sa ilalim ng 2016 MAV rice importation TOR.

Gayunman, inabutan ito ng kautusan ni President Duterte na nagpapahinto sa rice imports sa panahon ng pag aani.

Gayunman, nang magpasiya ang NFA Council na palawigin ang delivery period.

Facebook Comments