NFA EASTERN PANGASINAN, NILINAW ANG ISYU SA MGA NI-REJECT NA PALAY SA VILLASIS

Nilinaw ng National Food Authority (NFA) ang mga ulat hinggil sa mga palay na hindi tinanggap mula sa ilang magsasaka sa bayan ng Villasis, Pangasinan.

Ayon sa NFA, mahigpit na ipinatutupad ng kanilang tanggapan ang mga panuntunan sa pagbili ng palay upang matiyak na tanging de-kalidad na ani lamang ang maisasama sa buffer stock ng bansa.

Kabilang dito ang on-the-spot o cross-validation ng mga magsasakang nakatakdang mag-deliver upang mapatunayan ang aktuwal na dami at kalidad ng kanilang palay.

Ayon pa sa NFA, tanging mga palay na may moisture content na 12–14%, purity na 90–100%, at maximum na 7% discolored o damaged kernels, at walang insect infestation o masamang amoy, ang tinatanggap para sa buffer stocking.

Tiniyak ng ahensya na ang mga apektadong magsasaka ay direktang nakausap na, at nananatili umano ang kanilang komitment na suportahan ang lokal na sektor ng agrikultura habang pinangangalagaan ang pambansang seguridad sa pagkain.

Matatandaan na ilang magsasaka ang nanawagan ng konsiderasyon upang bilhin ang kanilang palay dulot ng mga nagdaang sama ng panahon.

Facebook Comments