NFA, handang magbigay ng bigas sa apat na Milyong 4P’s beneficiaries

Handa ang National Food Authority (NFA) na magbigay ng bigas sa higit apat na Milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s).

Sa harap ito ng isinusulong sa Kongreso na panukalang palitan ng aktwal na bigas ang cash rice subsidy ng mga 4P’s beneficiaries.

Kapag naisabatas, ililipat sa NFA ang halos P7 Bilyong Budget ng DSWD para sa rice subsidy.


Bibili naman ang NFA ng palay sa mga local farmers sa halagang P19 per Kilo.

Facebook Comments