NFA, hinigpitan ang panuntunan sa pagbili ng palay upang maiwasan ang pananamantala ng mga trader

Nagpatupad ng mas mahigpit na panuntunan ang National Food Authority (NFA) sa pagbili ng palay upang maproteksyonan ang mga local farmers mula sa mapagsamantalang rice traders.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr ,na siya ring NFA Council Chairman na
Sa ilalim ng bagong guidelines, tanging mga beripikadong magsasaka ang maaring makapagbenta ng palay sa NFA.

Kailangan nilang maitala sa opisyal na registry ng mga magsasaka (RSBSA) o magpakita ng sertipikasyon mula sa lokal na pamahalaan.

Bawat sangay ng NFA ay kinakailangang magsumite ng listahan kada buwan kung sino ang nakapagbenta ng palay at kung magkano.

Ang mga listahang ito ay ipapaskel sa bulletin board ng bawat sangay.

Kailangan din ang permiso ng mga magsasaka upang mailabas ito sa official facebook pages ng NFA – alinsunod sa batas sa privacy.

Upang maging mas transparent, maaring mapanood ng grupo ng mga magsasaka ang proseso nang pagbili ng palay sa bawat NFA warehouse.

Facebook Comments