NFA, Hinikayat ang Publiko na Direktang Bumili ng Bigas sa kanilang Warehouse!

220

*Cauayan City, Isabela- *Hinihikayat ngayon ng National Food Authority (NFA) ang publiko na maaari nang bumili ng bigas sa mga warehouse ng nasabing tanggapan.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Emmanuel Villanueva, Provincial Manager ng NFA Isabela, mabibili na lamang sa halagang 1,350 pesos ang isang kaban na bigas mula sa mga warehouse.


Ayon naman kay Ginang Luzsivina Vinluan, Warehouse Operating Officer, bukas aniya ito sa mga nais mag-retailer kaya’t magtungo lamang sa bawat warehouse upang makipag-ugnayan hinggil dito.

Sa ngayon ay mayroon ng kabuuang labingwalong libo (18,000) na kaban ng palay ang nabili ng NFA mula sa mga magsasaka sa Lungsod ng Cauayan at iba pang kalapit na bayan gaya ng Luna, Reina Mercedes, San Mariano, Benito Soliven at Naguillian.

Nananatili aniya ang pagbili ng NFA sa bawat kilo ng palay sa halagang P20.40 pesos.

Facebook Comments

From Advertisers