NFA, itinanggi na may amag ang  bigas na ipinamahagi sa Palawan

Mariing itinanggi  ni  National Food Authority (NFA) Palawan Provincial Manager Osmundo Guinto Jr. ang napaulat  na inaamag na ang bigas na ibinigay  sa lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa.

Batay sa report, mismong  si Puerto Princesa Councilor Victor Oliveros ang nagrereklamo sa  hindi magandang kalidad ng  bigas na ipapamahagi sana sa mga residente habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Agad na nagpadala  si Manager Guinto ng classifier  at pest control Officer sa lungsod upang inspeksyunin ang  rice stocks   pero lumilitaw na  negatibo  ito sa amag.


Tinawagan  din ni Manager Guinto si Councilor Oliveros  pero Itinanggi ng konsehal na nagbigay siya ng naturang komento sa isang diyaryo.

Apela ni Guinto sa mga  LGUs, sakaling mapansing hindi  maganda ang kalidad ng kanilang rice deliveries sa, mainam na ipagbigay-alam agad sa ahensya para  agad na  mapalitan.

Tiniyak niya na nasa magandang kalidad ang bigas ng NFA sa Palawan.

As of April 3, nakapagpalabas na ang  NFA Palawan ng  abot  sa  31,000 bags ng bigas  sa mga local government at relief agencies sa probinsya na nasa ilalim  ng ECQ.

Facebook Comments