Mas naging agresibo pa ngayon ang pagbili ng palay sa local farmers ng National Food Authority (NFA).
Ito ay para sa buffer stocking ng ahensya kasunod ng pinaluwag na patakaran nang pag-aangkat ng bigas sa ilalim ng rice tariffication law.
Mas maraming magsasaka na ang nagbebenta ng kanilang ani sa NFA matapos ipatupad ang dagdag na P3/kg buffer stocking incentive na nagsimula noong October 2018.
Dahil dito tumaas ng 80 percent ang national procurement target ng NFA sa buwan ng Nobyembre.
Ito ay maliban pa sa tulong ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na mga drying facilities sa NFA buying stations sa buong bansa.
Facebook Comments