NFA, may sapat na buffer stock ng palay ngayong tag-ulan

FILE PHOTO

Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na may sapat na buffer stock ng palay ang bansa para sa panahon ng tag-ulan.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni NFA Acting Administrator Larry Lacson na nakapamili sila ng mas maraming palay sa mga magsasaka at naabot ang target na buffer stock.

Maganda aniya ang buffer stock ngayon ng NFA kaya naman nakahanda aniya ang ahensiya sa hinaharap lalo ngayong panahon ng tag-ulan.


Ayon pa kay Lacson, nagsasagawa na sila ngayon ng milling at handa na sa pagpasok ng panahon ng anihan para sa wet season.

Dahil dito, wala aniyang dapat ipag-alala ang publiko dahil kahit ulanin at bagyuhin ang bansa ay sapat ang buffer stock para sa pangangailangan ng publiko.

Facebook Comments