NFA nagpaliwanag walang fake rice sa Zamboanga del Norte.

Siniguro ngayon ng National Food Authority (NFA) na walang โ€œFake Riceโ€ sa lalawigan ng Zamboanga del Norte.
Ito ang nilinaw ni Zamboanga del Norte NFA Provincial Manager Jul Akmad Lawama base narin sa kanilang accomplishment report sa buwan ng Hunyo nitong taon.
Ayon kay Lawama, mahigpit ang monitoring ng kanilang Palengke Watch Team sa lahat ng mga accredited outlets ng NFA sa probinsya.
Ang pahayag ng opisyal ay nag-ugat sa kumakalat na balita sa social media na mayroong fake rice sa lalawigan.
Samantala, hinggil naman sa kanilang food security management, ayon kay Lawama na regular nilang napanatili ang dami ng bigas at ang kalidad nito kung saan ito ay gagamitin para sa relief assistance panahon sa kalamidad at emerhensiya.

Facebook Comments