NFA, nakalikom ng P10.78-M mula sa multa ng mga rice retailers

Iniulat ng National Food Authority (NFA) na na nakalikom ito ng P10.78 million mula Nobyembre 30.

Ito ay mula sa multa ng 8,826 grains businessmen dahil sa iba’t ibang paglabag.

Kasunod ito ng pinasiglang rice and market monitoring activities ng NFA ngayong taon.


Ayon kay NFA OIC-Administrator Tomas Escarez may 168,140 business establishments sa buong bansa ang na inspeksyon na ng NFA na nagresulta sa pagtukoy at paghuli sa mga madadayang rice traders.

Nakatulong ang pinalakas na enforcement activities ng ahensiya sa pagpapatatag ng presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Sa kabuuan may 668 malalaki at maliliit na pamilihan sa National Capital Region, kabilang ang Cavite at Rizal provinces, na may 1,946 accredited NFA rice retailers at kabuuang 5,328 licensed grains businessmen.

Malaki din ang naitulong ng NFA kontra abuso hotline na inilunsad noong Hulyo kung saan lahat ng 802 na reklamo na naiparating ng mga concerned citizens ang matagumpay na naresolba.

Facebook Comments