Nakapamili ang National Food Authority (NFA) ng abot sa 2-M bags ng palay noong buwan ng Setyembre 2020.
Ito’y kahit sa buwan pa ng Nobyembre ang pormal na pagsisimula ng peak ng main harvest season.
Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, ang Region 2 o Cagayan Valley ang nakapag-deliver ng daily average na 90,012 bags.
Sinusundan ito ng Western Visayas – 318,383 bags; Central Mindanao – 298,665 bags; Region IV Southern Tagalog – 121,910 at Bicol – 100,714 bags.
Muling tiniyak ni NFA Administrator Judy Carol Dansal na tuloy-tuloy sa pagbili ng aning palay ng mga local farmer ang 558 warehouses at buying stations nila sa mga rice producing regions sa bansa.
Sinagot din ni Dansal ang mga grupo na isinisisi sa Rice Tariffication Law (RTL) ang umano’y mababang farmgate price ng palay.
Sinabi ni Dansal, ang RTL ay mabisang instrumento upang mapababa ang production cost ng mga magsasaka.
Nasa transition pa lang aniya ang RTL kung kaya’t hindi pa ganap na ramdam ang mabuting ibubunga nito sa agrikultura.