NFA, nalagpasan ang palay buying target

Nagawang makabili ang National Food Authority (NFA) ng palay mula sa mga magsasaka sa kabila ng mga dumaang kalamidad sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Abot sa halos 272,000 bag ng palay na nabili ng NFA nitong Hulyo, 170% na mataas kung saan lagpas sa target na halos 160,000 na bag.

Nangunguna ang Bulacan sa mga lalawigang maraming nabiling palay ang NFA, kasunod ang Pampanga, Isabela, Camarines Sur, Eastern Pangasinan, Ilocos Norte, Nueva Ecija, Cagayan, Nueva Vizcaya at Kalinga-Apayao.


Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, resulta ito ng ipinatutupad na rice tariffication law.

Sa ngayon, ang total palay procurement mula nitong Enero ay nasa 5.6 million bag.

Facebook Comments