Nahigitan na ng National Food Authority (NFA) ang palay procurement target para sa unang hati ng 2019.
Ayon sa bagong talagang NFA Administrator, Judy Carol Dansal, pumalo na sa limang milyong bags ng palay ang nabili nila sa mga local farmers napamili magmula noong Enero.
Ito aniya ay mas 11 percent na mataas sa kanilang palay procurement target na 4.65 million bags para sa first half ng 2019.
Ngayong buwan lamang ng Hunyo, nakabili na ang NFA ng 5,170,388 bags o 258,519.4 metric tons ng palay.
Kabilang sa mga surplus areas ng palay ay ang Mindoro, Nueva Ecija, Isabela, Bulacan, Cagayan, North Cotabato at Sultan Kudarat.
Ani Dansal, palatandaan ito na madali nilang makakamit ang buffer stocking requirement nila bago magtapos ang taon.
Malaking tulong aniya ang dagdag na benepisyong nakuha ang mga magsasaka at ang pinagaan na proseso ng ng pagbebenta ng palay sa ahensya.
Ang bilihan na ngayon ng palay sa NFA ay higit P20 kada kilo, kumpara noon na P17 lamang at kapag umabot sa 15,000 bags ang dinala sa NFA, may non-monetary incentive na matatangap ang magsasaka na water pump with engine.
Sa ilalim ng Rice Liberalization Law, inalis na sa NFA ang rice importation function nito, maging ang regulatory powers nito sa grains industry.
Sa halip, pinatutukan na sa ahensya ang local buffer stocking.