NFA, namahagi ng 600 sako ng bigas sa mga naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal

Nagpaabot na ang National Food Authority (NFA) ng halos 600 sako ng bigas sa mga residenteng naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal – 489 na sako ang ipinadala sa mga pamilya sa Cavite, 50 sa bayan ng Taysan sa Batangas, at 60 sa Lions Club of Batangas, na siyang mamamahagi sa mga residente.

Maliban dito ang Valenzuela City Government ay bibili ng 9,600 bags ng NFA rice para i-donate para sa mga apektadong pamilya.


Pagtitiyak ni Dansal na sapat ang supply ng NFA rice para sa mga nasalanta ng Taal eruption.

Sa ngayon, nananatiling naka-alerto ang mga NFA Office sa Batangas, Cavite, Metro Manila at Central Luzon.

Facebook Comments