Umaasa si National Food Authority (NFA) Administrator Larry Lacson na maibabalik ang tiwala ng publiko sa ahensya.
Nangangako si Lacson na higit na mapagsilbihan ang mas maraming Pilipino habang ipinagdiriwang ang kapaskuhan.
Sa kaniyang Christmas message, umaasa si Lacson na maibalik ang kapangyarihang inalis sa NFA upang higit na matulungan ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas abot-kayang bigas.
Sa ilalim ng Rice Tariffication Law, pinaliit ng batas ang tungkulin ng NFA na tumutok lang sa pagbili ng palay sa mga lokal na magsasaka para sa rice buffer stocking sa pangangailangan sa panahon ng kalamidad.
Nauna nang nanawagan si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na maibalik ang kapangyarihan ng NFA upang tumulong sa pag-regulate ng retail price ng bigas at higit ba makapagbenta ng marami sa mga consumers.