
Nilinaw ng National Food Authority (NFA) na isang NFA warehouse lang sa Occidental Mindoro ang binaha dahil sa pag-ulan na dala ng bagong low pressure area (LPA) na pinalakas ng habagat.
Kasunod ito ng unang napaulat na may 30 na warehouse ang binaha sa naturang lalawigan.
Nilinaw naman ni NFA administrator Larry Lacson na tanging ang NFA warehouse sa San Jose ang inabot ng baha, pero wala aniyang nasirang rice stocks dahil nakaangat naman ang mga imbak na bigas.
As of July 20, ang rice inventory ng NFA Occidental Mindoro inventory ay nasa 817K bags para sa palay at 116K bags sa bigas.
Sa ngayon ay patuloy ang monitoring ng NFA sa lawak ng pinsala sa palayan ng nagdaang Bagyong Crising at ng nararanasang sama ng panahon dahil nagpapatuloy pa rin ang assessment ng mga field office.









