NFA, pinagalitan at binatikos ng isang kongresista sa pagdinig ng Kamara ukol sa bigas scam

Pinagalitan at binatikos ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo ang National Food Authority (NFA) dahil sa umano’y ginagawang “mekus-mekus” o pagmanipula sa suplay ng bigas sa bansa.

Ang pagkastigo kay NFA Administrator Roderico Bioco ay ginawa ni tulfo sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food na pinamumunuan ni Quezon Rep. Mark Enverga, ukol sa pagbebenta ng ng NFA sa imbak na bigas sa ilang traders ng walang bidding at sa presyong agrabyado ang gobyerno.

Giit ni Tulfo, sa halip na ibinenta sa mga pribadong kompanya ay dapat ibinigay na lang ng NFA ang nabanggit na mga bigas sa mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of Social Welfare and Development, at Bureau of Corrections at Bureau of Jail Management and Penology.


Sinabon din ni Tulfo ang Commission on Audit o COA partikular ang resident auditors ng NFA dahil sa kabiguang bantayan ang mga transaksyon sa ahensya.

Paliwanag naman ng COA representative, nabigo silang i-monitor ang mga bodega ng NFA dahil matatagpuan ang mga ito sa regional offices at nasa ilalim ng regional auditors.

Facebook Comments