NFA, pinaghahandaan na ang pagpasok ng lean months

Nag-iimbak na ng rice stock ang National Food Authority (NFA) bilang preparasyon sa pagpasok ng lean months mula July hanggang September ngayong taon.

Layon nito na matiyak na may sapat na bigas sa mga calamity-vulnerable areas at island provinces.

Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, naglilipat na ang ahensya ng supply ng bigas sa mga lugar na may kakulangan habang nasa magandang kondisyon ang panahon.


Inihahanda na rin ng food agency ang rice releases para sa mga Local Government Unit (LGU) at relief agencies na magagamit sa panahon ng lean months.

Dagdag pa ni Dansal, ang LGUs at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay maaaring makakakuha ng kanilang rice requirements ng direkta sa mga magsasaka, farmer cooperatives o commercial rice traders para sa kanilang relief operations.

Facebook Comments