NFA, pinalakas pa ang pamimili ng palay sa local farmers kahit may COVID-19 pandemic

Puspusan at mas agresibo pa ang ginagawang pamimili ng palay na National Food Authority (NFA) sa local farmers sa iba’t ibang dako ng bansa ngayong cropping season sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Mandato ng NFA na matulungan ang farmers na maibenta ang kanilang produkto lalupat bumaba ang commercial price ng palay.

Binibili ng ahensiya sa local farmers ang malinis at tuyong palay sa halagang ₱19 kada kilo.


Naging sentro ng palay procurement operations nitong nakalipas na araw ay ang Isulan at Tacurong City sa Sultan Kudarat, Surigao del Sur, Zamboanga del Sur, Laguna at Tarlac at iba pang lugar sa Central Luzon.

Payo ng ahensiya sa mga magsasaka na nagnanais na maibenta ang kanilang ani, makipag-ugnayan lang sa pinakamalapit na opisina ng NFA sa kanilang lugar.

Inaasahan pa kasi ng NFA na marami pang deliveries ng ani ng palay ang iaalok ng mga magsasaka ngayong cropping season.

Facebook Comments