NFA, puspusan na ang pamimili ng palay ngayong summer harvest sa gitna ng COVID-19 pandemic

Pinalakas na ng National Food Authority (NFA) ang palay procurement operations sa mga rehiyon at lalawigan na nasa peak ng harvest ngayong panahon ng summer.

Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, hanggang April 30, 2020 nakabili na ang ahensiya ng 2.680 million bags ng palay sa buong bansa.

Ito ay sa kabila ng Lockdown sa maraming lugar bunga ng COVID-19 pandemic na nakaapekto din sa mga tauhan ng ahensiya.


Tiniyak ni Dansal na manatiling bukas ang kanilang 440 warehouses at buying stations araw-araw para tumanggap ng palay deliveries mula sa mga magsasaka.

Paliwanag pa nito ang pagbili ng palay sa buong taon ay nagbibigay ng makatwirang presyo sa mga magsasaka, habang dinadagdagan ang buffer stock ng bigas para maibenta sa COVID-19 relief operations.

Facebook Comments