Manila, Philippines – Humiling ng dayalogo ang Philippine Amalgamated Supermarkets Association, Inc. kay Agriculture Secretary Manny Piñol para pag-aralang muli ang proyekto na pagbebenta mg murang bigas ng NFA sa supermarket sa bansa.
Ayon kay Desmond Chua, tagapagsalita ng PAGASA, hindi kakayanin ng mga supermarket ang two pesos lamang na profit margin o ipinapatong sa presyo mula sa kuha nila sa NFA na 25-pesos kada kilo.
Malaki kasi aniya ang gastos sa logistics, labor, trucking, gasolina at pahinante.
Kailangan pa nilang mag-hire ng anim hanggang sampung repackers na tututok lamang dito mula opening hanggang closing ng isang supermarket.
Ito ay kung ihahambing sa 115,000 pesos kada isang supermarket ang sinisingil sa permit ng NFA.
Bagama’t nakapagbebenta sila ng 30 sako ng bigas kada araw, malamang na maging panandalian lamang ang pagbebenta nila ng NFA rice.