Manila, Philippines – Nakaambang mawala sa pamilihan ang NFA rice kasunod ng pagpapatupad ng Rice Tariffication Law.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, ang magiging trabaho ng NFA ay ang magreserba na lang ng “buffer stock” ng bigas para sa mga kalamidad sa ilalim ng batas.
Pero nakasalalay aniya sa NFA council ang pagbebenta o pamamahagi ng sobra nito kapag sobra ang kanilang stock.
Sabi naman ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino, may dagdag-ayuda sa bigas ang mga pinakamahirap na pamilya na pinagkaloob na sa conditional cash transfer card-holders.
Facebook Comments