NFA, tiniyak na magagandang kalidad ng bigas lang ang ibinebenta sa merkado

Iginiit ng National Food Authority (NFA) na tanging mga magagandang kalidad ng bigas ang kanilang ibinebenta sa mga pamilihan.

Ito ang pagtitiyak ni NFA Administrator Judy Carol-Dansal kasunod ng ulat na may mga retailer na nagbebenta ng mababang klase ng NFA Rice.

Ayon kay Dansal, maliban sa maayos na napapangalagaan ang kanilang stocks sa mga warehouse, mahigpit din aniyang sinusunod ang mga polisiya.


Isinasailalim din sa Quality Audit at Pest Control measure ang mga bigas na ipinamamahagi sa buong bansa.

Nilinaw ng NFA na isolated case lamang ang naturang ulat at alam din ng mga retailer na pwede nilang palitan ang bigas na hindi maganda ang kalidad.

Facebook Comments