Iginiit ng National Food Authority (NFA) na tanging mga magagandang kalidad ng bigas ang kanilang ibinebenta sa mga pamilihan.
Ayon kay NFA Administrator Judy Carol-Dansal – maliban sa maayos na napapangalagaan ang kanilang stocks sa mga warehouse, mahigpit din aniyang sinusunod ang mga polisiya.
Nilinaw ng NFA na isolated case lamang ang mga nabebentang mababang kalidad ng bigas at alam din ng mga retailer na pwede nilang palitan ang bigas kapag maganda ang kalidad.
Facebook Comments