NFA, tiniyak na may sapat na suplay ng bigas para sa mga naapektuhang pamilya sa lindol sa Davao del Sur

Tiniyak ng National Food Authority na may sapat na suplay ng bigas para sa mga naapektuhang pamilya sa lindol sa Davao del Sur.

Ayon kay NFA administrador Carol Dansal, mayroong ready stocks ng bigas para sa emergency rice requests.

Ito ay kahit nagiba ang mga pasilidad ng NFA dahil sa malakas na lindol.


Gumuho mismo Ang NFA warehouse sa Digos.

Ayon pa kay Dansal, naproktektahan ang 286,582 total rice inventory ng NFA Region XI.

Nailipat ang imbak na palay sa ligtas na lugar para hindi mabasa ng ulan.

Ininspeksyon na rin ng NFA ang lahat ng mga rice mill at warehouse na tumagilid dahil sa pagyanig.

Facebook Comments