Ginawa ni NFA Administrator Atty. Judy Carol Dansal ang katiyakan kasunod ng iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ng 12% noong January 2021 ang imbentaryo sa bigas.
Ani Dansal, maraming nakaimbak na bigas at palay sa kanilang mga warehouse sa buong bansa kung kaya’t walang dapat ipangamba ang publiko.
Idinagdag ni Dansal na may mga magsasaka ring nakapagtanim ng kanilang palay nitong Disyembre at maaaring anihin ngayong Marso hanggang Abril.
Sa kabila ng epekto ng magkakasunod na bagyo noong nakaraang taon, hindi malaki ang naibawas sa mga palayan at hindi rin malaki ang nabawas sa target stocks ng NFA.
Sa kasalukuyan, aabot sa walong araw ang suplay ng bigas ng NFA na naidala na sa mga NFA accredited store at maaaring bilhin ng publiko.