NFA, tiniyak na walang paggalaw sa presyo ng bigas sa Ormoc at Marawi

Manila, Philippines – Walang pagbabago sa presyo ng bigas sa Marawi at Ormoc City.

Ito ang tiniyak ng National Food Authority (NFA) sa harap ng krisis at kalamidad sa mga nasabing lungsod.

Ayon kay NFA Spokesperson Marietta Ablaza, dahil ito sa mga NFA rice na nananatili sa mga pamilihan at mga commercial at household stocks.


Nagsasagawa aniya sila ng price monitoring at may nakahanda rin ang kanilang buffer o emergency stock.

Sa ngayon, nanatili sa 36 pesos kada kilo ang regular NFa milled rice habang nasa 41 pesos kada kilo naman ang well milled NFA rice.

Facebook Comments