Tiniyak ng National Food Authority (NFA) sa mga local farmer na hindi lamang tuyong palay ang kanilang binibili kungdi pati na fresh at wet palay.
Pero, mas mababa lang ang presyo ng wet palay kumpara sa malinis at dry palay na binibili ng NFA.
Gayunman, mas mataas pa rin ito sa presyo ng private traders.
Bawat kilo ng clean at dry palay ay binibili ng NFA sa halagang P19 kada kilo.
Base sa monitoring ng NFA, binibili ng private traders ang palay sa mga farmer sa average price na P14.63 kada kilo para sa fresh harvest at P16.95 kilo para sa clean and dry.
May alok pa ang NFA sa mga farmer ng transport truck para hakutin ang mga produkto papunta sa mga NFA warehouses.
Kaugnay nito, hinikayat pa ng NFA ang mga farmer na ibenta ang kanilang produktong palay sa ahensiya.
Ayon pa sa NFA, ngayong buwan ng September hanggang October ang peak season ng rice harvest sa ilang rehiyon sa bansa.