NFA, tuloy pa rin na magbebenta ng NFA rice

Tuloy pa rin ang pagbebenta ng ahensya ng P27 na murang bigas sa merkado.

Ayon kay NFA Officer in Charge Tomas Escarez, mayroon pang 14 million bags ng bigas ang ahensya dahil 10% lamang o 64,000 bags kada araw ang kayang ubusin, aabot pa sa 230 na araw o hanggang sa buwan ng Agosto ang suplay ng NFA rice.

Ang mga inangkat na bigas na nabili ng mas mura sa Vietnam at Thailand ang pinagkukunan ng suplay para sa P27 at P32 kada kilo na napapakinabangan ng mga mahihirap.


Sa ilalim ng Rice Tariffication Act, tinatanggal na ang kapangyarihan nito na mag-import ng bigas.

Inaasahan na darami ang suplay at magmumura ang mabibiling bigas dahil bubuksan na sa lahat ang rice importation.

Magiging trabaho na lamang ng NFA ay mamili ng aning palay mula sa local farmers. Malimit ay mas mahal ang bili ng traders sa mga ani ng mga magsasaka.

Ito ay kumpara presyong P17 kada kilo na alok ng NFA.

Nito lamang huli nagdagdag ang ahensya ng P3 na incentive.

Facebook Comments