NFL – Bagong coach ng Oakland Raiders, binigyan ng $100 million o P5 billion na kontrata

Sports – Inaasahan pormal na ipapakilala ng Oakland Raiders si Jon Gruden bilang bago nilang coach anumang araw mula ngayon.

Base sa report pumirma na si Gruden para maging bench tactician ng koponan sa National Football League sa ikalawang pagkakataon.

Nagkakahalaga ang kontrata ni Gruden ng 100 million dollars o 5 billion pesos sa loob ng sampung taon.


Ito ang pinakamalaking kontrata para sa isang head coach sa kasaysayan ng NFL.

Bilang head coach may record na 95-81 win-loss record si Gruden.

Nanalo ito ng Super Bowl noong 2002 kasama ang Tampa Bay Bucaneers.

Facebook Comments