NGCP AT PANGASINAN PROVINCIAL GOVERNMENT, NAGBIGAY NG DONASYON SA 159 INDIBIDWAL NA NAAPEKTUHAN NG NAGDAANG BAGYO SA PROBINSYA

Nagbigay ng donasyon ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan sa isang daan at limampu’t- siyam na indibidwal na naapektuhan ng nagdaang bagyo sa probinsya.
Ang mga nabigyan ng donasyon ay mga residente mula sa Brgy. Libsong East, Lingayen na labis na naapektuhan ng nagdaang bagyong Paeng. Handog sa kanila ang 25,000 kgs. ng Sinandomeng rice, 10L 500 bottled water, at 500 pcs. ng T-shirts na karagdagan sa relief packs na nauna ng naibigay noong nagdaang buwan.
Naipamahagi ito ng provincial government sa pamamagitan ng PSWDO ay nakipagkapit-bisig sa iba’t-ibang organisasyon tulad ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP. |ifmnews

Facebook Comments