Binawi na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang paglalagay mamayang alas-5:00 ng hapon sa red alert status sa Luzon grid.
Ayon sa NGCP, nitong alas-11:30 ng umaga, inalis na nila ang alert.
Ginawa ng NGCP ang pagbawi dahil sa mayroon na itong available capacity na 11,750 MW habang ang peak demand ay nasa 10,437MW.
Gayunman, mananatili pa rin ang yellow alert sa Luzon grid mula alas-3 hanggang alas-4:00 ng hapon, at mamayang alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng gabi.
Facebook Comments