Iginiit ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na magkontrata ng reserves para matiyak ang sapat na supply ng kuryente.
Sa pagdinig ng Committee on Energy (COE) na pinamumunuan ni Senator Sherwin Gatchalian na hindi maaring aasa lang ang NGCP sa mga excess o sobra sa suplay ng kuryente.
Sabi pa ni Cusi, na ang kawalan ng reserve sa harap ng pagnipis na supply ng kuryente ay maaring magdulot ng pagtaas sa presyo ng kuryente.
Mariin ding kinontra ni Cusi ang katwirang kapag nagkontrata ng reserve ay tataas ang presyo ng kuryente sa bansa.
Facebook Comments