
Ipinaliwanag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang dahilan ng pagtaas ng kanilang transmission rates.
Ayon kay NGCP Revenue Management Department Head, Ryan Datingaling, mula sa 46 centavos per kilowatt hour noong June 2025 billing, tumaas ang transmission rates sa 59 centavos per kilowatt hour noong July 2025 na siyang mararamdaman naman sa August 2025 billing.
Aniya, ang nakapag-ambag sa pagtaas ng transmission rates ay ang Maximum Allowable Revenue at under-recoveries mula 2016 hanggang 2022.
Kung susumahin ay hindi naman talaga nagtaas ng singil, kundi kokolektahin lang nila ang mga hindi nasingil mula sa 2016 dahil sa hindi pagkakaroon ng 4th Regulatory Period Reset.
Una nang inapbrubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang fixed rate na 3 centavos per kilowatt hour para sa under recovery ng NGCP na sisingilin sa loob ng 84 na buwan.









