NGCP, iginiit na malabong magkaroon ng electrocution sa kanilang power lines pero posible pa rin ito

Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na mayroong ipinapatupad na safety measures para maiwasang makuryente o electrocution sa kanilang mga linya pero ang ganitong insidente ay posible pa rin.

Ito ang tugon ng NGCP sa pahayag ni Cagayan Governor Manuel Mamba na naging mahirap ang rescue operation dahil hindi napatay ang kuryente.

Batay sa pahayag ng gobernador, yung mga linya ng kuryente ay nakasayad na sa tubig maging ang linya ng NGCP.


Ayon kay NGCP Spokesperson Cynthia Alabanza, pinapatay naman nila ang kanilang linya kapag ito ay ni-request.

Aniya, sakop ng kanilang feeders ang malalaking lugar na maaaring mayroong ospital at iba pang essential services na nangangailangan ng patuloy na supply ng kuryente.

Sa ngayon, wala pa silang sapat na impormasyon para rito pero may mga natatanggap silang mga ulat na posibleng may electrical grounding dahil sa mga generators at iba pang power lines maliban sa NGCP.

Facebook Comments