NGCP inilagay sa yellow at red alert ang Luzon grid

Nag abiso ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, sa kanilang twitter account na inilagay sa yellow at red alert ang luzon grid bunsod ng manipis na reserbang kuryente.

Pinapayuhan ang mga taga-Luzon na magtipid sa paggamit ng kuryente.

Ang yellow alert ay epektibo ala-diyes ng umaga, alas-dose hanggang alas-una ng hapon, ala-singko ng hapon sunod alas-siyete ng gabi hanggang alas-nuwebe ng gabi


Habang red alert naman ng alas-onse ng umaga sunod alas-dos hanggang alas-kuwatro ng hapon.

Ang available capacity 10,625 megawatts, habang umabot sa 10,313 megawatts ang peak demand. (may difference na 312 megawatts)

Walang ibinigay na paliwanag ang NGCP kung bakit inilagay sa yellow at red alert ang Luzon grid.

Ang Luzon grid ay nasa yellow at red alert dahil sa (hindi inaasahang pag-shutdown at) limitadong generation ng ilang power plant, at mataas na demand ng kuryente.

Bagama’t wala pang inaasahang brownout, pinaghahanda na rin ang Interruptible Load Program (ILP) participants sakaling kailangan nilang mag-deload

Una nang ipinaliwanag ng DOE na ang ibig sabihin ng yellow alert ay mayroon kuryente, ngunit manipis lamang ang reserba dahil sa mataas na demand.

Facebook Comments